Joke ka ba? . . . . E kasi ayaw kitang seryosohin e… I-rate from 1-10, 10 being the highest kung gaano ka-waley yung pick-up line sa itaas. Bakit ganon….kapag sinasabi kong seryoso ako e walang naniniwala sa akin? Kapag sinabi kong me sakit ako e walang papansin sa kin. Kapag sinabi ko namang may sakit ako…yung malala…..pagtatawanan lang nila ako. Siguro ay kapag sinabi kong me sakit ako na malala…nagsusuka ako ng dugo at nakakahawa yung sakit ko….SERYOSO AKO!!!! Lalo lang lalakas ang tawanan nila. Ganoon ba ako kagaling magpatawa at kahit sabihin kong super serious ako e funny pa rin? Siguro ay kahit sabihin kong dati akong callboy o di kaya’y rape victim ako e wala pa ring maniniwala. Hindi ko naman talaga intensyon na magpatawa e….wala lang talagang sumiseryoso sa pagmumukhang ito. Pero kung mga tunay na komedyante lang ang paguusapan e iba pa rin talaga bumanat ng punchline yung mga taong tahimik at mahiyain lalo na kapag sinabi nilang….’Ba’t ang tahimik?’…..O di ba? Gusto mo ba ng jokes? Narito ang ilang jokes na nanggaling pa sa cerebellum ko at paalala lang. Copyright-intended ang blog post na ito kaya bawal ire-post ng walang pahintulot ko. Irespeto po natin ang gawa ng iba. BAWAL Icopy-paste….pwede lang i-print screen. 100% PURE ORIGINAL JOKES WITH NO ARTIFICIAL PRESERVATIVES ADDED: 1. AMO: Yaya…pakisara ang mga venetian blinds and make sure that you set the Automatic Security Alarm System after I leave… YAYA: Yes Maam….Ah Maam….ano po yung venetian blind?… AMO: TONTA!!!! I-Google mo…..go!!!! Umalis ang yaya na nagtataka… YAYA: Ano kaya yung venetian bliind?….Siguro sakit sa mata….si Maam talaga…. 2. TEACHER: Class, ouur lesson for today is about Subject-Verb Agreement. Our sentence is Tom rides the bus. If our verb is the word ‘ride’ and our object is the word ‘bus’ then what is our subject? PEDRO: (Nagtaas ng kamay) TEACHER: Pedro…what is our subject? PEDRO: Our subject Maam…..is English… 3. JUAN: Nay, gusto ko pong kumain ng gulay bukas.. NANAY: Wow anak, sa wakas at nagugustuhan mo na ring kumain ng gulay. Ano bang gulay ang gusto mong ulamin bukas? JUAN: Gusto ko po ng Stir-fried Asparagus with Oriental Oyster Sauce…. NANAY: =WASAK= 4. GAY: Rape! Rape! Rape! GUY: Rape..rape…rape ka dyan! Holdap to! GAY: Ay, ganun ba?… GUY: Feelingerang bakla! 5. TATAY: Kaya mo yan… ANAK: (Nananangis) Ba’t ganon…Tay?!!! TATAY: Sa buhay talaga may mga ganyan….dumadating ang mga pagsubok… ANAK: Lecheng buhay toh!!! TATAY: Anak, dapat ay tanggapin natin ang mga pagbabago sa buhay…matuto kang harapin ang mga problema at bumangon para harapin ang darating na bukas. Wag kang mag-alala anak…suddenly ay matutunan mo ring tanggapin at masasanay na gamitin ang bagong chatbox sa Facebook…
THE LONG-LOST MISADVENTURES OF JUAN AND PEDRO: THE REMAKE BUT NOT THE SUPPOSED ORIGINAL AND OFFICIAL REMAKE. I THINK SO…
GEMINI
Kambal tuko…kambal tuko… Wala akong kakambal pero may kinalaman itong asar na to saken. Una ay Gemini (Kambal) ang zodiac sign ko at mukha (daw?) akong tuko. Pasensya na pero hindi mo ko pwedeng mapagkakitaan dahil hindi ako tuko…kamaganak lang ng tuko….BUTIKI. Akala ko dati may chinese zodiac na butiki pero wala pala. Namalik-mata lang ako dahil Dragon pala yung nakita ko. Pero mas medyo naniniwala ako sa western astrology dahil hindi ko alam kung totoo talaga yung tungkol sa sign ko o dahil co-insidence lang. Este co-accident pala. Hinahanap ko dati sa dyaryo yung zodiac sign na kalahating-tao kalahating tahong pero wala akong nakita. Wala pala nun. Akala ko. Di ako naniniwala sa astrology….siguro ay nagkataon lang ang mga contributing factors sa baba na naguugnay sa akin at pagiging isang Gemini: 1. May dalawa akong katauhan.(Teh!) 2. Balikot ako magisip. (Dalawa rin ang utak…nasa ibaba ng kuyukut yung isa) 3. Sociable (More like sosyal…) 4. Madaldal 5. Masayahin 6. May mood swing. (Ayun lang) 7. Genius (Di na talaga ako maniniwala sa astrology) 8. MALAKAS ANG SEX APPEAL. Alam kong natigilan ka sa ikawalong bilang para magisip-isip ng mabuti at uminom ng Alaska Condensada. Pero sa maniwala ka man o sa hindi…TOTOO YUN…..sabi nung salamin sa banyo. Kung meron man akong isang pinaniniwalaang contributing factor e yung ikalimang factor. Totoo yun lalo na kapag tinatawag ako habang nangungulangot. Ayoko kasi ng iniistorbo ako habang naglilinis(professionally) ng ilong. Para kasi sa akin e sagrado ang pangungulangot kagaya ng pagdarasal at pakikipagtalik. Ngayon alam mo na….sa susunod na makikita mo akong nangungulangot(sigurado yan) e wag mo akong tatawagin, tatapikin o sasaluhan dahil di kita papansinin. Kelangan mo munang umutot sa harapan ko para mapansin kita. Sabi daw nila ang Gemini ay zodiac sign ng mga may saltik sa ulo…dahil pabago-bago daw kami mag-isip. Hindi ako naniniwala. Paano ako magbabago-bago ng isip e wala naman ako nun?!!!
POORGOLD PART III
Welcome to Puregold Agora. Happy shopping!!! BUWISET!!! Kung may the Return of the king ang Lord of the Rings at may At World’s End ang Pirates of the Caribbean. Syempre di pahuhuli ang third installment ng Poorgold series na pinamagatang POORGOLD: THE RETURN OF THE COMEBACK. Now available in Blu ray disc. Simulan natin sa paga-apply ko ng pagiging bagger sa Puregold. Oo. Sinubukan kong mag-apply diyan kaso di ako pinalad. Hindi ko alam kung nakakain ako ng sinigang na swelas ng sapatos at naisip kong magtrabaho sa lugar na yan. Nabasa siguro nila yung Poorgold Part II kaya rejected ang resume ko sa pamunuan ng PG(Paraiso ng Gastos). (Baket kasalanan ko ba kung walang kwenta ang mga services nila.) Sinabi nung interviewer na kelangan daw ng PLEASING PERSONALITY. Kasalanan ko bang wala akong personality at good looks lang ang meron. Kunsabagay e di sana nag-apply na lang akong model o di kaya’y callboy na bagsak presyo pagsapit ng alas tres ng madaling araw. Pero mas maganda kung nag-apply na lang akong tagakutkot ng balakubak o di kaya’y tagatiris ng blackheads….accredited pa ng TESDA. Lagi kong napapansin na di nila ginagamit yung mga casher sa dulo. Marami silang casher o counter pero konti lang ang ginagamit nila….minsan hanggang casher no. 16 lang. Samantalang noong una silang nagbukas ay lahat naman yon ay ginamit nila. Nagsisiksikan tuloy ang mga tao sa counter 1 hanggang counter 16 samantalang pwede naman sa counter 17 onwards. Nagiging parang pila tuloy sa PBB(Pilahan ng Bigasan ng Bayan) ang pila ng mga tao. Marami na siguro silang kita kaya ganoon sila magsayang ng pera. Siguro ay pinapasok nila sa shreder ang mga pera tapos ginagawang toppings sa Kwaker oatmeal. May mga sapak din pala sila e. Nabu-buwiset talaga ako kapag may pinapakinggan akong magandang kanta na pinapatugtog nila tapos biglang pinuputol at biglang may magsasalita ng “calling all the GCs….all the GCs…go to the receiving section please”. NAKAKAYAMOROTSKOTSKOTS!!!!!!!!! Ang sarap tarakan ng payong yung lalamunan nung maarteng babae na nagbo-voice over sa itaas tapos ipupukpok at patatagusin ko sa noo niya yung takong nung stlletos niya. WAAAAAHHHHHH!!!!! DI BA NIYA ALAM NA FAVORITE KO YUNG RIDING SOLO NI JASON DERULOOOOOHHHHH!!!!!!! WAAAAHHHH!!!! Isusumbong ko siya kay Bonggang-bonggang Bongbong…diretso pa ang aksyon. Kapag nakita ko nga yang nagsasalitang yan e pupunitin ko yung kilay niya at iitsahin ko yung lungs niya. Ang isa pang nakakayamot e yung mga eksenang kelangan pang ipakita at patatakan sa guwardiya sibil yung resibo nung nabili mong tiyane. Samantalang, pinanggagatong ko lang naman at pinanga-almusal yung mga resibo nila e. Buti nga ngayon e pinalitan na nila ng mga lalaki yung mga guard nila at di na mga tibo. Yun nga lang e mga mukha namang nanggaling na sa kabilang buhay yung mga pinalit nila. On the lighter and enthusiastic note e MERON AKONG CRUSH SA PYUURRGOLD!!! Isa siyang Team Leader(yung mga nilalang na laging naka-vest na pula). Acshully, ilang beses na akong pabalik-balik sa Puregold para lang malaman ko yung name niya. Kapag bumilli nga ako ng Knorr Instant Soup na Nido Oriental Style e lumilingon ako sa ID niya kaso di ko nababasa dahil lumilingon agad siya. Isang beses nga e nagtanong ako kung meron silang stock ng Payless Pansit Shanghai Patatim flavor sabay tingin sa ID niya kaso nakabaligtad e. EWAN KO BA!!! Nakapagisip na nga ako ng ipapangalan ko sa mga magiging anak namin e…sina Tinky Winky, Lala at Po. Malaman ko lang yung pangalan niya e pwede na akong masagasaan ng ten-wheeler truck basta ba mayaman yung driver(choosy pa). JOKE LANG YON. ANO AKO BALE?!!! Sa tingin ko nga e me gusto rin saken yun e…kasi lagi siyang nakangiti sa tuwing may itatanong ako sa kanya(di naman masyadong halatang malandi ako) o baka naman dahil may pleasing personality rin siya. EWAN KO. Kaso biglang nalukot yung mukha ko at napunit ang mga ngiti ko nung nakita ko na may kumikinang na singsing sa palasingsingan niya. Muntik ko na tuloy ngatngatin yung hawakan nung basket na hawak ko. LESSON OF THE STORY: WAG MAI-IN LOVE SA MGA NILALANG NA NAKAPULANG VEST AT WAG MAGTATANONG KUNG MAY STOCK PA NG PAYLESS PANSIT SHANGHAI PATATIM FLAVOR. Nung isang araw nga e nakapila ako sa CLAIM para magpasok ng bag e may isang malanding babae na nasa harap ko ang nakyutan yata dun sa gwapong baggage counter guy tapos ganito yung eksena: GIRL: Pwede na bang ipasok ‘tong payong?(sabay kagat sa labi) BAGGAGE COUNTER GUY: pwede na po yan. GIRL: E yan…pwede na bang ipasoook.(sabay nguso dun sa chorva sa ilalim ng belt nung lalaki) O di ba?!! Ang kere lang nung girl….ang sarap kurutin sa ano. Nahiya tuloy yung baggage counter guy dahil nabastos siya. Kunsabagay…gusto rin naman ng mga lalaki yung mga ganyang eksena. Haayyy!!! Bakit ba nagkalat ang mga malilibog sa mundo no? Buti na lang e conservative at virginal ako. Di ko nga alam yang mga Barely Legal # 69 at Asian Schoolgirls na yan e. Di ko talaga alam yan….Mga pelikula yata ni Kate Winslett yan. Di ko alam! Napansin ko rin yung kulay ng Puregold na red, yellow at green. Pwede nang maging isang bansa ang Puregold tapos ang national anthem ay ang utang na loob na ”Tindahan ni Aling Puring”. PUREGOLDEANS: Thank you for shopping at Puregold Priceclub Agora. c u l8r. REYREN: Thanks. It’s nice to meat you.(Ikinagagalak kong karnehin ka)
Flag ng utang na loob na Puregold
TIPS AHOY
Magbibigay sana ako ng mga tips na pa-flip top na tatawaging Flip Tips kaso bumulwak ang dugo galing sa cerebelum ko kaiisip pero walang lumabas. Ito na lang ang maibabahagi ko sa inyo na tiyak na makakatulong/makakasira ng pamumuhay niyo. 1. Para healthy e i-try mo namang humithit ng herbal medicines gaya ng Yerba Buena at Pansit-pansitan. 2. Para hindi tumalsik sa mukha mo ang tubig galing sa inidoro dapat hindi pabalibag ang pagbuhos ng tubig…dapat ay smooth at isang bagsakan lang. 3. Wag kang lalabas ng bahay kapag full moon…mapapagkamalan kang aswang o di kaya’y engkanto lalo na kung mukha kang troll…pero kung kamukha mo ko e pwede. 4. Magsauli ka agad ng bote ng RC at Fruit Soda Lemon kung ayaw mong maging patty sa cheeseburger. OK lang kung di mo na isauli yung bote ng Sarsi…di naman sikat yun. 5. Wa mong lalagyan ng question mark sa huli ang mga katagang ‘sure ako’ at ‘wala akong pakialam’….magmumukha kang timang. 6. Mainam na mag-solve ng mga quadratic equations kapag bagong gising at naalimpungatan ka…..pero mas perfect ang sagot kung naka-head stand ka. 7. Pindut-pindutin lang ang Refresh button baka may lumabas na lotto number. 8. Nakakabuti sa kalusugan ang paulit-ulit na pagpindot ng Autosearch sa T.V. 9. Hindi dapat itinatapon ang mga bote ng C2 at Minutemaid dahil mainam itong gawing arinola. Marami ka bang natutunan sa mga tips ko…wag kang magalala effective lahat yan dahil based on my own experiences yan. * Nasayang ba ang 10 minutes mo….pindutin mo yung Refresh button tapos i-click mo yung Back button. I-refresh mo ulit tapos hintay ka ng 5 seconds tapos lalabas si Sadako sa monitor mo.
SUNDOT KALIKOT
Dear Diary, Ano bang gagawin ko?!!!!! Lagi na lang ganito. Ang malas ko talaga. Natapunan ako ng Nestle Yogurt sa ulo at sooobrang lagkit. Bakit ba ganon? DIARY: Ang tanga mo kasing PAKTO ka! Kung di ka ba naman tumayo agad e di sana di ka natapunan. Engeng ka rin e! REYREN: Baket kasalanan ko ba yun? E aksidente naman yung nangyari. DIARY: Hinde….Aminin mo na kasing tatanga-tanga ka. Ano ka rin e. REYREN: E bakit mo ba ako inaaway e diary ka lang naman. DIARY: E tutal tayo naman ang laging magkausap gabigabi e bakit hindi ako pwedeng sumagot. Baket…..may batas na ba sa Konstitusyon ng Pilipinas na nagbabawal sumagot ang diary sa author niya. O di ba wala. E kasi nga TANGA KA!!!! REYREN: IKAW NA!!!! ===== Kahapon. Nagsanla ako ng kaluluwa sa BUTINGTING PAWNSHOP. Mga friendly din naman yung mga tao doon ano…..may pleasing personality. Mataas pala ang interes kapag nagsanla ka ng totoong kwintas na gold. Inutusan lang kasi ako ng lola ko e. Ang laki ng hawak kong pera…..bawasan ko kaya ng P50….ay P100 na kaya para malaki. Mabusisi rin pala sila kumilatis ng alahas ano kaya saludo ako sa Butingting Pawnshop talagang mabutingting sila. Ano kayang gagawin ko dito sa isang daan…..bili ko kaya ng vibrator……ay DVD na lang ng Green lantern. ===== Kinagabihan. Pinakain ako ng bicol Express ng mama ko…..sooobrang anghang!!!! Sabi ko nga pulbura na yata ang hinalo dito kasi nagaapoy sa anghang. Naubos ko nga yung isang pitsel ng H2O dahil sa sobrang spicy ng Bicol Express ni Mama. Buti na lang ay di ako pinagtripan ng kapatid ko na lagyan ng hot sauce yung tubig na iinumin ko dahil pag nagka-gayown ay kokonyatan at tatalupan ko talaga yung balat niya. Nananalaytay kasi sa dugo namin ang dugong Uragon sa mother side ko. Siguro ay hot sauce ang nananalaytay sa ugat namin kaya mahilig kami sa mga maaanghang…..lalo na yung Spicy Champurado. Masarap yon. ===== Nanood ako ng Wall-E kanina. Walang kwenta yung unang part pero naaliw na ko dun sa bandang huli. Mahilig talaga ako sa mga pelikulang kapupulutan ng aral at kagandahang asal kagaya ng Hostel at Texas Chainsaw Massacre. ===== REYREN: Dear Diary, diary ka ba o demonyo? DIARY: The number you have reached is not available at this time please check the number or try your call again…. REYREN: WALANG KWENTA. ===== NOT-TO-DO LIST: 1. Do not buy 2. Do not eat 3. Do not breathe 4. Do not do unto others if you don’t want to do unto you. 5. Do not eat chocnut na makunat na may halong poknat. Di na spontaneous Di na bonggaecious Di na makatulog Di na makakain Di na natuto Tigib na ang pagisip ko. Mukha na akong multo. Boooohhhhh!!!!! WALA NA TALAGANG KWENTA TO. PATAYIN MO NA YUNG MONITOR AT CPU AT PATI NA RIN YUNG AVR. OPENING WINDOWS 7……… ===== Kung yung pokpok nga e may rest day sa pagbibigay ng aliw syempre dapat ako din. Sa susunod na lang ulit. *Wag mo nang pakialaman yung title. Yan ang paborito kong gawin pag rush hours.
PARABNORMAL
May multo….may multo sa ilalim ng tulay. (Repeat 2x till fade) Nakakita ka na ba ng multo? Yung totoo….nakakita ka na ba talaga? Di ba ang multo ay espiritu as in walang flesh at bones at di mo siya mahahawakan at wala siyang physical form. Weh? Talaga? Baka di naman multo yung nakita mo …..baka naman 3D Hologram yung nakita mo….tama…yun yung bagong apps ngayon sa IPad 2. Isipin mo na lang….. pwede ka nang makipag-Skype sa mga yumao mong kamaganak. Ayus!!! Di ko na kelangang magpakabit ng pigsa sa noo para magkaroon ng ikatlong mata para makakita ng multo. Sisilip lang ako sa kutsara, salamin o sa kahit anong reflective surfaces at makakakita na ako ng earth-bound spirit…..yung may flesh at mukhang bones. Maraming multo dun sa paupahan namin. Merong nagtitimpla ng Nescafe 3 in 1 kapag madaling-araw, may dumadaan sa likod ko kapag naghuhugas ako ng pinggan at mayroon ding pinagti-tripan yung alarm clock namin kaya ako nale-late. Sanay na ko e. Para na rin silang ordinaryong boarder namin…yun nga lang di sila nagbabayad ng upa dahil di naman sila nago-occupy ng space. Yung kuryente lang ang tubig ang binabayaran nila…arawaraw na pagpaparamdam gamit ang pagpatay-sindi ng ilaw plus pagbukas ng gripo tuwing alas-tres ng madaling araw. Aba! Nagnenegosyo kami noh….ano yun libre lahat…ano yun charity work. Patay na nga….mandurugas pa ng kapwa. Mayroong puting duwende sa banyo namin, may tikbalang dun sa puno ng Caimito sa likod ng bahay namin at may akyat-bahay sa amin na lumalabas sa TV na nagi-static. Alam mo minsan…iniisip ko kung may non-working holiday ba ang mga engkanto. Lalo sigurong lalaki ang populasyon natin kung idadagdag pa sa listahan ng NSO ang mga engkanto sa buong bansa. Pitong pamilya kami sa bahay at paupahan namin at may apat na engkanto sa bahay namin at may mga pangalan sila. Si Luis yung tikbalang sa Caimito, si Billy ang kapre, si Vhong ang duwende sa banyo at si John Lloyd ang tiyanak. Put them together collectively at sila ang….ENGKANTO BOYS. May friend ako na sinapian ng masamang espiritu. Kaso dahil sa klase ng hitsura ng kaibigan ko e di mo na malalaman kung sino yung sumapi at kung sino yung sinapian. Parehas kasi ng tabas ng pagmumukha e….parang di sinapian. Para siyang bulateng binudburan ng asin nung nagwawala na siya. Nagiging kakulay na niya si Barney at di siya nagsusuka ng green na liquid pero synchronized naman yung paghinga niya at yung paglabas-masok nung uhog sa ilong niya. Inaawat na nila yung friend ko nung lumingon siya sa akin…kulang na lang e umikot yung ulo niya at mag-headstand siya para kumpleto na. Natakot ako nung tumirik yung mata niya at puro puti na lang ang naiiwan sa eyeballs niya….na parang squid ball na binaligtad sa kawali. Kinilabutan ako nung nagsalita na siya ng mga salitang kahit kailan ay di pa sinalita ng tao sa saliw ng boses ni Rey Langit na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Medyo choppy pa nga yung sinasabi niya e. Tinawag nila yung kapitbahay namin na magtatawas na mas nangangailangan pa ng tawas yung kilikili niya. Tinawag din nila si Apo Mangkay(a.k.a. Apo Bangkay) yung albularyo sa amin na ka-tropa yata ni Nostradamus na nakakaalam daw ng sagradong sining na tinatawag na ‘Turan’. Di ko alam kung Kama Sutra yata yung tinutukoy niya o isang sikat na putahe na sinasawsaw sa thinner. Dinasalan muna niya yung kaibigan ko bago pinainom ng tubig na may lamang papel na may mga nakasulat na pirma yata nung duktor ko sa diarrhea. Sa awa naman ng diyos ay gumaling naman yung friend ko kaso para sa akin ay wala namang pinagbago. Sa totoo lang ay di ako naniniwalang may multo. Sa praning oo….pero sa multo….hindi. Pero kung may multo nga talaga ay tatanungin ko kay Toshio kung magkano pa-Gluta sa kanila at kung saan nagpapa-rebond si Sadako.
SINONG NAG-BAKE?
Narito ang Ren’s Cake Collection ng Ren Ribbon. Tiyak na mapapamura ka sa sarap: 1. ROCKY ROAD - Rocky talaga ang road dahil sa mga ganitong cake na bukod sa sarap ng Belgian Choco ay lalo pang pinasarap ng almonds(bato) na tiyak na pag kinagat mo ay maiiwan sa mga butas ng ngipin mo. Try mo na!!!! 2. BLACK FOREST - Nakakatakam ba? Try mo na ang Black Forest ng Ren’s Cake Collection na siguradong maglalaway ka sa kakatitig. So why wait? Bili na! 3. ANGEL FOOD CAKE - Na-try mo na ba ‘to? Sulit ang pera mo dahil napaka-angelic ng lasa ng bagong Angel Food Cake. DI ka pa nakakakagat ay para ka nang nasa heaven. Sent from heaven as in nalaglag mula sa itaas ang Angel Food Cake. I know you like it! 4. CHOCO - Mouthwatering na Swiss Chocolate na kinabog pa ang choco ng Toblerone, Cadbury at Ovaltine. Super thick talaga ‘to. 5. VANILLA - Delectable and irresistible Vanilla frostings and soft fondue that can drive you crazy with every bite. I know superlike mo na ang Vanilla. Siguradong may balde na diyan sa kinauupuan mo hindi dahil pansahod ng laway mo kundi pansahod ng suka mo. Ang hirap palang mag-sales talk ng mga tae noh? Basta bisita ka na lang sa pinakamalapit na Ren Ribbon Store sa inyo. For deliveries just call 911.





NEW WAVE
Buhok. Hindi buhok sa kilikili o sa siko ang paguusapan natin kundi yung buhok sa ulo at alam naman natin na consistent yung hairstyle ko simula pa nung ipalabas yung pilot episode ng Esperanza. Nung highschool ako e ang tawag sa akin nung mga hayop na mga classmate ko e Nobita…oo si Nobita yung among ungas ni Doraemon. Sabi nung teacher ko e para daw akong specie na hindi pa nage-evolve at later na lang nag-evolve nung Metozoic Period. In-short isa akong TAONG TABON. Mula dun sa buhok ni Nobita ay umikli yung gupit ko nung nag-kolehiyo ako. Syempre kelangan gupit-estudyante dapat pero yung estudyante na well-rounded naman at miyembro ng SUNOG KILAY GANG. Ang pogi ko daw sabi nung mga kaklase ko. Di ko alam kung compliment yun o nanga-asar lang. MATINO(?) ang buhok ko noon at hindi kinompyuter gaya nung sa mga commercial ng sabon sa buhok. Ngayong nasa unemployment period ako e syempre dapat pang-walang kwenta din dapat ang gupit ko kaya ako nagpa-semi kalbo mas matino na ‘to kaysa dun sa buhok ko nung high school na parang pugad ng pterodactyl. Di talaga ako nagi-style ng buhok e. Nakita mo na ba akong nag-style ng buhok? Siguro minsan…isang beses nung sinapian ako ng masamang espiritu. Di ako yun kaya tayu-tayo ang buhok ko. Mas gusto ko naman yung buhok ko kaysa dun sa mga lalaking parang na-stroke na alon sa dagat ang buhok sa sobrang tigas ng hairgel. Di ko alam kung sumalok ba ng oil spill yung mga yon at nilagay sa ulo kaya tumigas at sobrang grasahin ang buhok nila. Butiki kasi ako kaya takot ako sa mga tayu-tayong buhok na yan. Alam mo na….marami na akong mga kamag-anak na nanganib ang buhay dahil diyan. Gusto kong magpauso ng hairstyle kaya ia-apply ko yung natutunan ko sa Math noong elementary ako…..ang fraction. Try ko kayang 3/4 lang ang buhok…o di kaya’y 1/8 lang ang buhok o pwede ring magpapa-highlights ako yung kulay ng flag ng Pilipinas…yellow, blue at red. Nakakahapis talagang magisip ng hairstyle na babagay sa pagmumukha mo noh? Dapat siguro ay di na pinagiisipan….ginagawa na lang. (Nasaan na ba yung tina?) Yung kapitbahay ko nga e nagpakulay ng violet sa harap tapos brown at yellow sa likod. Naks…..parang flavors ng Selecta 3 in 1……ube, choco at keso. Gusto ko yung mga eksenang highlights na glow in the dark kaso baka kuyugin ka ng mga gamu-gamo dahil napagkamalan kang lampshade. Magsabit ka na lang ng plastic bag na may lamang tubig sa tenga mo para ma-trap sila.
SERHIYOSO
BABALA!: Napakaseryoso nitong blog post na ito. Baka sa sobrang seryoso talaga ng entry na to ay ma-lock jaw ang panga mo o magka-stiff neck ka at maging kasing tigas ng papier mache. MAY NAMATAY!!!! Mamili sa mga choices ng reaksyon sa ibaba: A) OMG!!! B) Weh di nga? C) Pwa! Tamang trip tol a. D) (Deadma) E) Sinong namatay? (Concern lang o tsismosa mode pero di ipinapahalata.) F) (Nagulat pero na-lock jaw at dinapuan ng langaw ang eyeballs.) I would like to take this opportunity to give my deepest condolences to my friend for the loss of her ONE AND ONLY. Trough the years, laging masaya silang magkasama at walang araw na di ko ipinapanalangin sa Diyos ang kaligayahan nilang dalawa. He was vital, important; the sun in her sky. Too late did she learn that; today’s spun goodbye. (Insert ‘Di Kita Malilimutan’ music here.) Gusto ko lang makiramay sa friend ko na namatayan…….namatayan ng kuko sa paa. Ang O. A. Kasi nitong babeng ito na itago na lang natin sa pangalang Ann. Ang sarap batukan sa noo dahil sa sobrang O. A. Namatay lang ang toenails e parang babagsak na yung kulay asul na kisame sa itaas. WHAT: LAMAY NG INGROWN NI ANN WHEN: Kahit anong oras gustuhin mo. WHERE: San Juan Gym HOW: Tingin ka sa itaas….doon sa bilog na buwan….may artist’s sketch doon kung paano pumunta diyan. WHY: E kasi may public viewing ang nahihimlay na kuko ni Ann. Wag kang magalala. May assorted biscuits courtesy of M.Y. San at bottomless na pa-kape. Nawa’y maihatid natin ng maayos sa kanyang huling hantungan ang inosente at maitim na kuko ni Ann. Wag sana tayong tumigil sa pagaalay ng mga panalngin para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kuko ni Ann. R. I. P. ANN’S INGROWN Sep. 05, 1990 - May 13, 2011